Tuesday, October 11, 2011

Issue Ngayon

Issue dito, issue doon, kahit saang lugar ay may issue ngayon. Bakit nga ba nagkakaroon ng issue? Ewan!, basta ang alam ko lang kapag may kapuna-puna sa isang bagay at pagbabago humanda ka na kinabukasan sa balita. Bilang mamamayan ng isang lipunan ako ay boluntaryong sumulat ng isang artikulo tungkol sa issue na kinakaharap ni juan dela cruz at ng isang mapayapang bansa. Bilang estudyante hindi lang puro eskwela ang aking inaatupag, nanunuod din naman ako, kasama ni nanay at tatay na namomroblema sa kinakaharap ng isang naghihikahos na republika, taas ng pasahe,patuloy pang tumataas na tuition fee, mahal na bilihin at kung ano ano pa.

September 2011, dalawang bagyo ang sumalanta sa atin, pagkasira at pagkagutom ng tao ang karaniwang naririnig. samu’t saring batikos ang kinakaharap ng mga opisyales dahil sa mabagal na pagtugon sa mga pangangailangan at mga nang-iipit ng pondo na para sa mga nangangailangan. Salamat sa mga organisasyon at ibang ahensya na tumulong. Mabuhay kayo!

Sa katatapos lang na Miss Universe 2011 na ginanap sa Brazil, si Ms. Angola ang kinoronahan bilang Miss Universe 2011, makalipas ang ilang araw isang pasabog na balita ang inilithala ng isang batikang manunulat sa ibang bansa, nakapaloob dito ang artikulo tungkol sa “fake Documents” na ipinasa ni Ms. Angola sa pamunuan ng Ms. Universe noon.(Hay nako! Pati ba naman to sinali mo??? – oo naman! Kahihiyan ng bansa at sa sarili ang idinulot nitong issue na kumalat sa buong mundo.)

Mga naloloko at adik na adik sa usong usong Facebook, aminin mo pagbukas ng facebook ang unang una mong inaatupag kaysa sa report at assignments mo. At pati na rin sa mga nagttrabaho, akala nyo ligtas kayo?? Hmmmm.., reklamo ng reklamo sa tambak na trabaho pero imbis na bawasan ito facebook ang inaatupag!. Hay!!!. Issue ng parinigan, pagpost ng litrato na walang pahintulot , pag-tag sa yo ng mga walang kakwenta kwenta .

Bilang lider ng isang organisasyon malaking responsibilidad ang aking pinapasan sa ngayon, sabi nga ng friend ko “humanda ka na sa issue!” (me: ha????), ngayon naiintindihan ko na ang sinabi nya. Issue na hindi ginagampanang mabuti ang responsibilidad, isyung may kinikilingan at iba pa. snob lang yan dahil pag pinatulan , Totoo!.

Love issue, isa sa pinaka trend ngayon sa kolehiyo, natawa ka kasi may lovelife ka! Ikaw na ang bida!. Tandaan hindi lahat ng may lovelife ay masaya, ung iba napipilitan lang dahil gwapo/maganda ang karelasyon, yung iba naman dahil sa mayaman. Hay nako!! Issue talaga yan, kaya maswerte ang member ng federation of single, Mabuhay tayo!.

Sa sobrang dami ng issue na kinakaharap ng bayan at ng mga sikat na personalidad hindi ko na alam kung sino at ano ang uunahin ko. Sana pag nabasa to ng magiging anak mo ay burado na ang issue na kinakaharap ng bayan ngayon, dahil ang issue ay larawan ng pagkasira ng reputasyon, dignidad, imahe at dangal ng isang nilalang na nakatapak sa isang bansa.

Vincen Gripal Valerio
Facebook
Twitter